1.Bawal magsalita habang kumakain-simbulo ng respeto sa iba pang kumakain.
2.Bawal magputol ng kuko sa gabi-tumatawag daw ito ng kamalasan.
3.Bawal pag laruan ang kandila-maaring lumabo daw ang mata.
4.Bawal matulog na basa ang buhok-maaaring lumabo ang mata.
5.Bawal magwalis pag may patay-bilang respeto sa yumao.
6.Bawal hakbangan ang tao-liliit daw ito.
7.Pag nabasagan daw ng pinggan at kinabahan-maaaring may nangyaring aksidente sa kamag anak.
8.Pag mano ng mga bata sa matatand.
9.Pag gamit ng "po" at "opo" bilang pag galang sa kausap mo.
10.Pag may nag uusap na matatanda,wag makisali upang di makabastos.
11.Bawal kumanta sa harap ng kalan-may masamang mangyayari.
12.Bawal tuluan ng luha ang kabao-maaaring hirap sa pag akyat sa langit ang yumao
13.Pag umambon pero ma araw-may kinasal daw na tikbalang
14.Bawal sumipol ng gabi-nagtatawag daw ito ng masamang kaluluwa.
15.Mapagkumbaba-nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.
16.Bawal pumatay ng butiki sa gabi-limang taong kamalasan
17.Bawal walisin ang bigas-tinataboy mo ang biyaya.
18.Pag nasa probinsya lagi daw magdala ng pangontra para di ka ma kulam o ma usog.
19.Pag ang sanggol daw ay natutulog na pa dapa,matalino daw ito.
20.Bawal hakbangan ang pagkain-parang itinataboy ang biyaya.
MGA TRADISYON AT PISTA NOON SA PINAS:
TINIKLING
-Ang Tinikling, isa sa mga popular at kilala na sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng Leyte sa Visayas. Hango ang pangalan ng tinikling mula sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka at malalambot ang balahibo. Ang sayaw ay tulad sa galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa gitna ng mga damo at tumatakbo-takbo o lumulundag-lundag sa mga sanga o bitag sa mga palayan. Tinutularan ng mga mananayaw ng tinikling ang tikling sa yumi at bilis nito sa pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng kawayan. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.
FLORES DE MAYO
-Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.
HIGANTES FESTIVAL
-Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.
PISTA NG KALABAW
-Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing 15-16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulacan.
SINULOG FESTIVAL
-Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.
PAHIYAS FESTIVAL
-Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
PISTA NI SAN JUAN
-Sa pista ng kapanganakan ni San Juan Bautista, ang santong nagbinyag kay Hesus, sinisimbulo nito ang "paglilinis" at paghahanda sa pagdating ni Hesus sa pamamagitan ng pagbinyang gamit ang tubig.
Madalas na ipinagdiriwang ng mga Filipino ang kapistahan ng mga santo sa kanilang kamatayan ngunit hindi si San Juan Bautista. Siya lamang ang santo na kung saan ang kaniyang kapanganakan ang ginugunita.
Maaga pa lamang ay nagkakatipun-tipon sa mga kanto, kalye at ilan pang panulukan ng bayan ang mga bata at matatanda Sa mismong araw ng kapistahan. May ilang umiigib sa poso at nilalagyan ng tubig ang mga timba, tabo at iba pang lalagyan; at ang ilan ay mga naka-hose pang konektado sa mga gripo.
Karaniwang nagbabasaan ang mga handang makipagsaya, na halos maligo na sa kalsada; habang binubuhusan naman ng tubig ang ilang naglalakad o mga nakasasakyang dumaraan--motorsiklo, pedicab, traysikel, jeep, bus, at iba pa. Ang tradisyon na ito ay pinaniniwalaang tanda ng ating pagkakabinyag bilang mga Kristiyano. Dagdag pa dito ay ang paniniwalang ang mabasa sa pagdiwang na ito ay simbulo sa pagtanggap ng biyaya mula sa Panginoon.
PISTA NG PASUNDAYAGAN
-Ang Pista ng Pasundayagan ay ginaganap tuwing Nobyembre 20–26 bilang pagdiriwang sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Munisipalidad ng Surallah. Kabilang sa mga palabas ang makukulay na sayawan sa kalye, pagtatanghal ng mga ani o produktong pansakahan, kainang walang humpay.
PISTA NG SAGING
-Ang Pista ng Saging ay ginaganap tuwing ika-18 hanggang ika-19 ng Marso sa Baco, Oriental Mindoroupang ipagdiwang ang kasaganahan ng ani ng saging. Itinatanghal dito ang iba't ibang uri ng saging tulad ng Señorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din ng selebrasyon na ito ang kapistahan ng patrong si San Jose.
ATI-ATIHAN FESTIVAN
-Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.
MASSKARA FESTIVAL

Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas.
MGA PAGKAIN NA NALIKHA SA PINAS:
HALO HALO
TUYO
ADOBO
TAHO
DINUGUAN
BICOL EXPRESS
KINILAW
PUTO AT KUTSINTA
SISIG
MGA IBA'T IBANG PAMBANSA SA PILIPINAS
PAMBANSANG BAYANI
PAMBANSANG HAYOP
PAMBANSANG BULAKLAK
PAMBANSANG PRUTAS
PAMBANSANG IBON
PAMBANSANG ISDA
PAMBANSANG SAYAW
PAMBANSANG TIRAHAN
PAMBANSANG DAHON
PAMBANSANG KASUOTAN
PAMBANSANG PUNO
PAMBANSANG LARO
PAMBANSANG WIKA
PAMBANSANG SASAKYAN
PANGUNAHING SAGISAG
PAMBANSANG PAGKAIN
PAANO BA MANLIGAW NOON ANG ISANG LALAKE SA ISANG BABAE??
Ang pag-aasawa noong uang panahon ay hindi madali dahil maraming pagsubok ang dadaaanan ng lalaki sa panliligaw. May mga ugali noon na hanggang ngayon ay ginagawa pa din ng ibang mga Pilipino, karamihan sa kanila ay nakatira sa mga malalayong lugar o liblib na mga lugar. Ang binatang manliligaw ay pagsisilbihan muna ang pamilya ng babae sa loob ng buwan at minsan umaabot pa ng taon. Sa panahon natin ngayon ito ay mahirap gawin, ngunit noong dating panahon handang magtiis ang lalaki alang-alang sa babaeng minamahal. Madalas ang gawain ng lalaking manliligaw ay nagsisibak ng kahoy, nag iigib ng tubig at minsan ay utusan ng magulang ng babae. Hindi pinahihintulutang mag-usap ang lalaki sa babaeng nililigawan. Hanggang tingin lamang ang pwede niyang gawin. Ni hindi binibigyan ng pag kakataong lumapit at mag-usap ang dalawa. Mahigpit itong binabantayan ng mga magulang ng babae. Takot na baka masalisihan sila ng lalaking mabilis pa sa kidlat ika nga.
Matapos ang mahabang paninilbihan, sasabihin ng mga magulang ng babae ang pagsang-ayon. Ngunit may mga kundisyon silang inihahain. Required na mag bigay ngbigay-kaya o dote ang lalaki sa magulang ng babae. Ang mga bigay-kaya ay kagaya ng lupa, ginto, pera o anumang bagay na mamahalin. Ito ay kabayaran sa magulang ng dalaga sa pag pupuyat at hirap na ginawa nila ng sanggol pa lamang ang dalaga. Magbibigay din ang binata sa yayang nag alaga sa dalaga ng bata pa ito at higit sa lahat sa ina na nagpasuso ng sanggol pa ang dalaga.
Ang lahat na ito’y inaayos ng magulang ng babae sa magulang ng binata. Kapag hindi kaya ng magulang ng lalaki ang hinihingi ng magulang ng dalaga, nakikipagtawaran ang mga ito, hanggang sa pumayag ang magulang ng babae. Tinatawag itong pamumulungan o pamamalae. Kapag naayos na ang lahat, kasal naman ang kanilang pag-uusapan.
May mga kaugalian ang mga Pilipino na mag papakasal sila sa kanilang kauri o kapareho ng estado sa buhay. Ang ganitong kaugalian ay hindi mahigpit na pinatutupad. Malayang mag hanap ang isang datu ng karaniwang tao basta maibigan niya lamang. Isa sa mga batas dati na kanilang namulatan at nakaugalian, ay ang mga anak ng asawa ang siyang tunay o lehitimo. Samantala ang anak sa labas ay hindi tunay kaya’t hindi pwede mag mana ng ari-arian sa kanilang ama.
ANU-ANO NGA BA ANG MGA BATAS NOON SA PILIPINAS??
KASAYSAYAN NG PILIPINAS(1898)-(1946)
Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.
UNANG YUGTO(1898)-(1935)
Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Schurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong 20 Enero 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon.
UNANG KOMISYON(1899)
Ang Komisyon ni Schurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga Amerikano at pinamunuan ni Jacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.
IKALAWANG KOMUSYON(1900)
Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (Taft Commission), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si William Howard Taft (si Taft rin ang unang gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni McKinley noong 16 Marso 1900. Binigyan ito ng kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900 hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).
Ang tatlong pangunahing mga haligi ng palatuntunan o programa ng pag-iwi ng Komisyong Taft sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (a) kaunlarang pang-ekonomiya, (b) edukasyon, (c) paglulunsad ng mga institusyong kumakatawan o representatibo.
BATAS ORGANIKO NG PILIPINAS(1902)
Noong Hulyo 1902, ipinatupad sa Pilipinas ang tinatawag na Philippine Organic Act (Batas Organiko ng Pilipinas) na maglulunsad ng nahalal na Kapulungan ng Pilipinas (Asamblea ng Pilipinas, o ang Mababang Kapulungan) at ng Mataas na Kapulungan na binubuo ng Komisyon ng Pilipinas na itinalaga ng pangulo ng Estados Unidos at may kakayahang magpasa ng batas hinggil sa mga Moro at mga taong hindi Kristiyano. Dahil sa batas na ito, umiral sa Pilipinas ang Tala ng mga Karapatan (Bill of Rights) na umiiral na sa Estados Unidos, at nakapagpapadala ang Pilipinas ng dalawang komisyonerong residente sa Washington, DC na luklukan ng pamahalaan ng Estados Unidos na dadalo sa mga sesyon ng Konggreso ng Estados Unidos. Naganap ang unang halalan para sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 1907. Ginanap ang unang sesyon nito noong 16 Oktubre 1907.
Noong 1902, binuwag ng Batas Organiko ng Pilipinas ang katayuan ng Katolisismong Romano bilang relihiyong pang-estado ng Pilipinas. Batay sa naging kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Estados at ng Lungsod ng Batikano, magkakaroon ng unti-unting pagpapalit ng mga prayleng Kastila na ang mga hahalili ay mga paring Pilipino at hindi Kastila, at ang pangunahing bahagi ng mga lupaing pag-aari ng mga prayle (na humigit-kumulang sa 166,000 mga hektarya) ay ipinagbili noong 1904 sa administrasyon ng Estados Unidos sa halagang US$7.2 mga milyon na ipinagbili naman pagdaka sa mga Pilipino.
SISTEMA NG POLITIKA
Kabilang sa sistemang pampolitika na ginamit ng Estados Unidos sa Pilipinas ay ang tinatawag na "patakaran ng pag-akit" (policy of attraction), kung kailan inakit ng mga Amerikano ang mga pili na mga Pilipino (ang mga elite), partikular na ang mga ilustrado (na binansagan bilang "oligarkiya ng intelihensiya"), na mas nais na makipagtulungan sa Espanya o kaya sa Estados Unidos dahil hindi nila pinagkatiwalaan ang Katipunan at sila ay mga rebolusyanoryong nag-aatubili. Kabilang sa mga ito sina Trinidad H. Pardo de Tavera (isang inapo ng maharlikang Kastila) at Benito Legarda (isang kapitalista at may-ari ng lupa), na kapwa umayaw sa pamahalaan ni Emilio Aguinaldo noong 1898 dahil sa hindi pagkakaroon ng mga kasunduan kay Apolinario Mabini.
Bilang pakikiisa nina Pardo de Tavera at Legarda sa mga Amerikano, nakiisa sila sa mga Komisyon nina Schurman at Taft at tinangkilik ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Estados Unidos. Noong Disyembre 1900, tinangkilik nila ang pagiging isa sa mga estado ng Pilipinas ng Estados Unidos sa ilalim ng Partidong Pederalista (Federalista Party). Naitalaga sila bilang unang mga kasaping Pilipino ng Komisyong Pilipino na pambatas. Noong 1905, binago ng partidong ang kanilang palatuntunan, dahil sa kawalan ng kasunduan sa mga pinuno nito, upang tangkilikin ang pagkakaroon ng Pilipinas ng "lubos na kalayaan". Binago ng partido ang pangalan nito upang maging Partido Nacional Progresista (National Progressive Party).
Noong 1907, inilunsad ang Nacionalista Party (Partido Nasyonalista) at nangibabaw sa larangan ng politika sa Pilipinas hanggang sa pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang sa mga kasapi nito ay mga hindi ilustrado. Isa sa mga pinuno ng partido ay sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Ang naging plataporma ng Partido Nasyonalista ay ang pagkakaroon ng "kaagad na kalayaan" para sa Pilipinas. Dahil sa paglitaw ng Partido Nasyonalista, nagkaroon ng sistemang may partido sa Pilipinas, subalit walang naging kalaban sa politika ang Partido Nasyonalista magmula 1916 hanggang 1945. Lumitaw lamang ang Liberal Party (Partido Liberal) noong 1946.
PAMANA NG PATAKARAN NG PAG-AKIT
Mayroong tinatanaw bilang tagumpay at kabiguan ang "patakaran ng pag-akit". Ang tagumpay nito ay ang pagkakabigay sa mga Pilipino ng Estados Unidos ng "edukasyong pampolitika". Ang kabiguan naman nito ay ang pagkakaroon ng hadlang (dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang malakas na partidong pampolitika) sa mga hangarin o interes ng mga hindi elite o hindi pili sa lipunan. Hindi nagkaroon ng pagtuon sa repormang panlipunan, pag-aari ng lupain, pangungupahan sa lupain, at hindi patas na pagkakamudmod ng yaman.
BATAS JONES
Nagkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga panig ng mga Amerikano at ng mga Pilipino noong maging Gobernador-Heneral ng Pilipinas si Francis Burton Harrison (1913-21), isang pinuno na inilarawan bilang isang "monarkang pangkonstitusyon" na namamahala ng "pamahalaan ng mga Pilipino". Naging liberal si Woodrow Wilson, na nasa ilalim ng Democratic Party (Partido Demokratiko), sa pakikitungo sa mga Pilipino. Noong 1913, nagtalaga si Wilson ng 5 mga Pilipinas bilang miyembro ng pambatas na Komisyong Pilipino (unang pagkakataon na nasa mayorya ang bilang ng mga Pilipino sa nasabing Komisyon). Isinakatuparan ni Harrison ang Pilipinisasyon ng serbisyo sibil, na mas dumami ang bilang ng mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan kaysa sa dami ng mga Amerikano. Sa panahong ito, nangingibabaw ang Nacionalista Party ng mga Pilipino.
Noong 1916, ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos ang Batas Jones (Jones Act), ang pangalawang organikong batas na may kaugnayan sa Pilipinas, at pumalit sa Batas na Organiko ng 1902. Isinasaad dito na may layunin ang Estados Unidos na palayain ang Pilipinas kapag nakapagtatag na ito ng isang matatag na pamahalaan. Napalitan ng Senado ng Pilipinas ang Komisyon ng Pilipinas sa pagganap bilang Mataas na Kapulungan na pambatas. Ang Mababang Kapulungan ay pinalitan naman ang pangalan upang maging Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives). Dahil sa Batas Jones, ang sangay na lehislatibo o pambatas ng pamahalaan ay napunta sa kontrol o pagtaban ng mga Pilipino, bagaman ang mga hukom ng Korte Suprema (Kataastaasang Hukuman) ay nananatiling mga Amerikano.
Mula 1921 hanggang 1927, ang naging kapalit ni Wilson bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay si Heneral Leonard Wood, isang pinuno na hindi naniniwala na dapat lisanin ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil sa mga interes ng Estados Unidos sa pook ng kanlurang Pasipiko. Hindi katulad ni Wilson, ginamit ni Wood ang kaniyang kapangyarihan sa paggamit ng veto (pagtutol) na umabot sa 126 na mga ulit sa loob ng kaniyang anim na taon sa panunungkulan bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Noong 1923, maraming mga Pilipino ang umayaw sa kanilang mga tungkuling pampamahalaan, na hindi napunuan hanggang sa kamatayan ni Wood noong 1927. Dahil dito, binaligtad ng mga naging kahalili ni Wood bilang gobernador-heneral ang kaniyang mga patakaran at naglunsad ng mabuting pakikitungo sa mga Pilipinong nanunungkulan sa politika.
KATAYUAN NG MINDANAO AT SULU
Noong 1914, umiiral sa pamahalaan ng Pilipinas ang tinatawag na Kagawaran o Departamento ng Mindanao at Sulu. Noong panahong iyon, sa pananaw ng mga Pilipinong Moro (Pilipinong Muslim), isang panganib para sa kanilang katayuan sa politika ang mabilisang Pilipinisasyon ng serbisyong sibil at ang pagkakaroon ng sasapit na kalayaan ng Pilipinas, dahil sa ang pamahalaan ng isang malayang Pilipinas ay mapapangingibabawan ng mga Kristiyano. Noong panahong iyon, wala pang pambatas na pagkilala sa mga kostumbre at mga institusyon ng mga Muslim sa Pilipinas.
SAMPAMAHALAAN NG PILIPINAS
Noong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos noong 1934, nailunsad ang pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas.
GROUP NI:CHRIS ANDREI DELA CRUZ
NG 9-DOVE